Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kagawad tinuluyan habang nagpapahinga

0 89

Pumanaw ang isang ba­rangay kagawad matapos pag­babarilin habang nagpapahinga siya, Martes sa Cawayan, Masbate.

Dead on the spot dahil sa tinamong mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Jether Jumao-as, 36-anyos, kagawad ng Barangay Calumpang.

Sa ulat ng Bicol PNP, base kay Calumpang barangay cap­tain Mariano Impas, naga­nap ang insidente ala-1:10 ng hapon sa Purok 6 kung kailan katatapos lang magpatrolya ng biktima kasama ang dala­wang tanod at nagpapahinga na ang mga ito nang dumating ang dalawang suspek na ar­mado ng baril at pinagbabaril si Jumao-as.

Nang masigurong patay na ang target ay agad tumakas ang mga salarin. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.