Abante Tonite Interactive

Kagubatan sa Benguet nagliyab

140

Nagliyab ang mahigit dalawang hektaryang lupain sa kagubatan ng Atok, Benguet nitong Linggo ng madaling-araw.

Ipinahayag ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Atok na hindi pa nila matukoy ang pinagmulan ng sunog sa kagubatan.

Patuloy ang ginagawang pag-apula sa sunog sa tulong na rin ng iba’t ibang sangay ng BFP sa lalawigan.

Nagpapahirap umano sa mga bumbero ang matarik na lugar kung kaya’t hindi kaagad maa­pula ang apoy na mabilis umanong kumalat dahil tuyo ang paligid sanhi ng madalang na pag-ulan sa lugar, at malakas din umano ang ihip ng hangin.

Nababahala ang mga residente na naninirahan malapit sa sunog na baka gumapang ang apoy sa kanilang mga tahanan. (Allan Bergonia)