Abante Tonite Interactive

Kahandaan sa SEAG, aalamin ni Ramirez

199

Tuloy ang pakikipagkonsultasyon ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman at Team Pilipinas chef de Mission William “Butch” Ramirez sa lahat ng National Sports Association (NSA) upang malaman ang kahandaan ng kanilang mga atleta para sa 30th Southeast Asian Games 2019.

Hinayag Linggo ni Ramirez na tanging mga opisyal ng mismong mga NSA ang nakakaalam ng kanilang tsansa sa makakamit na mga medalya para sa bansa na asam ang ikalawang overall championships sapul noong 1977.

“Tanging ang mga NSA lang ang nakakaalam kung ilang gold medal ang kanilang kayang mapanalunan sa natin sa SEA Games,” ani Ramirez.

Umaasa siyang maiuuwi ng national contingent ikalawa pa lang na pangkalahatang kampeonato ng bansa.

“’Di imposible na mag-champion tayo dahil tayo ang host. Malaki ang budget na inasikaso natin at gagastos din tayo ng malaki para sa ating mga atleta, para masiguro natig mananalo sila,” panapos niyang pahayag. (Lito Oredo)