Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kahanga-hanga ang Comelec

0 36

Mapayapa sa pangkalahatan at higit sa lahat ay napakabilis ng resulta ng eleksiyon ngayong 2022.

Masasabing kakaiba ang bilis ngayon ng resulta ng eleksiyon sa ating bansa at sa katunayan ay marami pang botante ang nasa loob ng polling precinct ay nagsimula na agad ang bilangan ng boto na bagamat sinasabing partial at unofficial results.

Alas- 7:00 ng gabi ay agad ng lumabas ang resulta at sa loob ng 2 oras ng tumuntong ang 9 ng gabi ay mahigit milyon na ang boto na nabilang.

Sa loob ng dalawang oras na paglalabas ng resulta ng bilangan mula sa Comelec server ay milyon milyong agad ang lamang ni dating Senador Bongbong Marcos sa pumapangalawang kandidato na si Vice President Leni Robredo.

Dapat purihin ang bilis ng resulta ng botohan dahil tinalo pa ng Pilipinas ang 2020 Presidential elections Sa pagitan nina Trump vs Biden na umabot ng 7 araw hanggang 14 na araw sa ibat ibang Estado ang paglabas ng resulta ng halalan..

Ayon sa COMELEC natutunan na raw nila ang mga naunang kapalpakan sa kabagalan ng paglalabas ng resulta sa mga nakaraang eleksiyon sa bansa.

Sinabi ni COMELEC Commissioner George Garcia na hindi daw nabulunan ang server ng Comelec kung kayat diretso ang pagpasok ng resulta sa ibat ibang panig ng bansa.

Sa ngayon ay malinaw na kung sino ang mauupong lider ng bansa at ito ay sina dating Sen. Bongbong Marcos bilang Pangulo at Mayor Sara Duterte bilang Pangalawang Pangulo ng bansa dahil sa pangunguna Sa quick count.

Partida pa sa Comelec ang mabilis na resulta ng eleksiyon kahit luma at pupugak pugak ang mga makina o vote counting machine na may mga pumalya din sa ibang mga presinto.

Lets move on, ito ang pangkaraniwang kataga na ating naririning ngayon na sa totoo lang ay dapat nga naman dahil natapos na ang eleksiyon at harapin natin ang tunay na problema ng mga Pilipino at ito ay ang walang humpay na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at pagtataas ng toll fee sa NLEX at Cavite na ating aasahan na lalong magpapataas sa presyo ng pangunahing bilihin sa bansa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.