Abante Tonite Interactive

Kahera pinakitaan ng anghel

0 190

Mga ka-Misteryo, nakakita na ba kayo ng anghel? Iilan lang sa mga nakausap ko ang nagsabing nakakita sila ng anghel. Iba’t iba rin ang kanilang kaanyuhan – merong anghel na anyong tao habang ang iba ay nakita sila sa aparisyon ng sobrang liwanag.

‘Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”
Empleyada sa isang fast food chain sa Eastwood si Katrina at dahil baguhan lang siya ay pinag-aaralan niyang mabuti ang sistema lalo na at isinabak siya bilang kahera.

Sa ikatlong araw niya ay hindi siya mapakali parang wala siya sa sarili kaya’t nagkakamali siya ng tipa sa counter at kuwenta ng panukli. Hindi niya makontrol ang kanyang abilidad na makakita ng human aura – ang liwanag na bumabalot sa katawan ng tao.

Biglang may tumayo sa kanyang harapan para mag-order ng makakain, nang makita niya ang nasa harapan ay napatitig siya, napatigil siya, nabigla siya hindi niya malaman kung totoo bang tao ang kaharap niya dahil kitang-kita niya ang sobrang liwanag ng awra ng lalaki at may naaaninag siya sa gawing likuran nito.

Tinanong ng #TeamMisteryo kung ano ang karanasan ni Katrina.

Team Misteryo: “Bakit ka nagulat? Baka naman natakot ka?”

Katrina: “Hindi ako natakot, in fact, na-mesmerize ako hindi ko malaman ang gagawin ko. Grabe, noon lang ako nakakita ng ma­lakas na human aura, I don’t think he’s human, he’s an angel I think.”

Team Misteryo: “Wow! So you think angel siya? Hindi ka ba nagtanong sa kanya?”

Katrina: “No, hindi ko nagawa ‘yun kasi lagi ako nakayuko nasisilaw ako sa light niya though I can see a silhouett­e of wings behind him, parang naka-fold. I’m sure wings ‘yun.”

Team Misteryo: “Did you smell the aroma? Ang sabi mabango daw pag kaharap mo ang anghel. Sa movie ni John Travolta Michael, smells like sweet caramel daw aroma ng angel.”

Katrina: “Yea I’ve seen that movie I love it pero hindi ko napansin ‘yung aroma, na-star struck ako sa kanya.

Team Misteryo: “So what happened?”

Katrina: “Hinayaan ko na lang tinitingnan ko siya kumain sa corner then suddenly he disappeared nang maging busy na ako.”

Ang karanasan ni Katrina ay maaari ring maganap sa inyo, malay niyo kaharap ninyo pala ay anghel.

***

Para sa inyong kuwentong karanasan mag-email sa TeamMisteryo2019@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.