Abante Tonite Interactive

Kahit brain tumor suko kay Balanza

413

Malayo-layo na rin ang narating ni Jerrick Balanza.

Na-diagnose na may brain tumor at sumailalim sa operasyon.

Tagumpay na nakarekober at nakabalik sa ­paglalaro sa Letran. Siya pa ang team captain ng Knights.

Naging instrumento para bawiin ng Letran ang titulo ng NCAA 95 men’s basketball, pinutol ang three-year reign ng karibal na San Beda at ibinalik ang korona sa Intramuros.

Nitong Linggo sa PBA Draft sa Robinsons Place-Manila, ‘di pinalagpas ni coach Tim Cone ang kalibre ni Balanza para idagdag sa Ginebra.

First pick (13th ­overall) ng Gin Kings si Balanza, sorpresang nalibre pa ­pagkatapos ng first round.

Scorer si Balanza, isa sa inasahan ng Knights para manalasa sa labas.
Swak ang kanyang 6-foot-3 frame sa sistema ng Gins na nanggagaling sa labas ang atake.

Mas epektibo lang si Balanza kapag hawak niya ang bola, parang Stanley Pringle.

Maliksing gumalaw ang ­dating Knight, umaatake sa basket at nakakapag-create ng sariling diskarte para umiskor. (VE)