Abante Tonite Interactive

Kahit coach dinededma!

500

Abueva tuloy ang pasaway

Mukhang tuloy-tuloy na talaga ang aberya sa PBA career ni Phoenix Calvin Abueva.

Binunyag ng coach ng proble­matic player na si Louie Alas na ’di rin nakikipag-usap sa kanya, mapa-text man o sa tawag ang super pasaway na basketbolista.

“Di cya nakikipag usap sa akin personal,text or whatever,” reply ni Alas sa isang netizen kung ano nang balita sa suspendidong Fuel Masters forward.

Maaalalang gumawa ng ingay si Abueva tapos itong ilagay sa indefinite suspension ang sarili dahil sa clothesline kay TNT import Terrence Jones, kasunod ang pambabastos nsa girlfriend ni Blackwater rookie Bobby Ray Parks Jr.

Lalo pang nadungisan ang pangalan niya tapos maglaro sa ligang labas sa Rizal na mahigpit na pinagbabawal ng PBA, isa pa ang paglantad ng kanyang asawang si Sam ang tungkol sa umano’y pananakit ni ‘The Beast’ sa kanya.

(Ray Mark Patriarca)