Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kahit extended: 6M estudyante ‘di naka-enroll

0 348

Umabot sa 6 na milyong estudyante sa elementarya at high shcool ang bigo umanong makapag-enroll, ayon sa datos mula sa Department of Education (DepEd).

Nasa 21,344,915 lang umano ang nakapag-enrol ngayong taon sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan, malayo sa 27.7 milyon noong nakaraang taon, kahit pa pinalawig pa ang deadline ng enrolment noong Hulyo 15 sa orihinal nitong pets ana Hunyo 30.

Nagkaroon din ng malaking pagbaba ng enrollment sa mga pribadong eskwelahan na umabot lang sa higit 1.1 milyon ngayong taon, kumpara sa 4 milyon noong 2019.

Gayunman, umaasa ang departamento na maaabot ang target na bilang ng mage-enroll bago ang pormal na pagbubukas ng klase sa Agosto.

Leave A Reply

Your email address will not be published.