Abante Tonite Interactive

Kahit iniwan sa ere, Curry labs si Durant

0 248

Walang masamang tinapay kay Stephen Curry ang paghihiwalay nila ng landas ni Kevin Durant.

Tatlong seasons silang nagsama sa Golden State Warriors, may dalawang NBA titles. Walang duda, nasama sila sa pinakamaangas na tandems sa kasaysayan ng liga.

Nang matapos ang 2018-19 (73rd) season, nagdesisyon si KD na lumipat na sa Brooklyn Nets. Naiwan si Curry sa Golden State.

“We won two championships and I think we both got better throughout the process as basketball players and as people,” pahayag ni Curry sa media sa Warriors Camp event sa Oakland.

Pinuna sila ng mga kritiko, pinuri ng iba. Pareho lang daw ‘yun na nagpatatag sa kanilang personalidad. Sa tatlong seasons ni Durant sa Golden State, walang palya sa NBA Finals ang Warriors. Naging two-time Finals MVP si KD.

Naintindihan ni Curry ang pag-iwan ni Durant sa Warriors para sumama sa Nets.

“Obviously, at the end of the day, him going to Brooklyn, is just trying to make sure he’s happy and going to a place where he feels like he needs to be,” aniya. “You gotta be happy about that for him.”

Iniwan ni Durant ang Oklahoma City Thunder noong 2016 para sumama sa Warriors. Mula noon, binu-boo siya tuwing babalik sa OKC. Malayong mangyari sa kanya ‘yun sa Golden State.

Kapag natapos na ang kani-kanilang career, nakikita ni Curry na magba-bonding pa rin sila ni Durant para balikan ang playing days na magkasama. (VE)