Abante Tonite Interactive

Kahit kalaban sa MMFF:Coco nagpapogi kay Anne

278

tonite-pak-allan-dionesPunumpuno ang sinehan nang manood kami ng 8:00 PM screening ng “Jack Em Popoy: The Puliscredibles” nu’ng December 26 sa TriNoma Cinema.

Maraming mga touching moment ang pelikula at ilang beses kaming naiyak.

Isa ito sa pinakamatino sa mga naging MMFF entry ni Vic Sotto at maging ni Coco Martin. Bagay sa kanila ang kuwento at swak sa mga personality nila, tapos ay hindi pilit ang mga pagpapatawa.

Bigay na bigay sa mga comedy scene sina Bossing at Coco, pero pagdating sa dramahan ay binigay din nila kaya mararamdaman mo at madadala ka sa eksena.

Si Maine Mendoza ay very plain ang itsura rito bilang policewoman na anak-anakan ni Vic. Bet namin ‘yung twist sa kung sino ang tunay na anak ni Pops o Popoy.

May chemistry ang CocAine (tawag sa Coco-Maine tandem) na mas maganda pa sanang i-explore, pero mukhang hindi ito masyadong pinush sa movie dahil sa totoong buhay ay magkamag-anak ang dalawa.

May sariling moment ang JoWaPao bilang mga tiyuhin ni Jack, na mga closet tita pala. Kuwela ‘yung gay speak ni Coco nang aminin niyang alam niya ang tunay na pagkatao ng mga tito niya.

Benta sa amin ‘yung mga dramatic scene ni Bossing na nagagawa pa rin niyang humirit ng patawa, gaya nu’ng utusan niya si Maine na sundan si Ryza Cenon, sundan ni Coco si Arjo Atayde at sa kanya ang ama ng mga ito na si Ronaldo Valdez.

Sayang at walang eksenang nakaengkuwentro ni Maine ang kontrabidang karakter ni Arjo. Exciting sanang panoorin kung anong klaseng rapport meron ang MaiJo sa big screen.

Gets namin ‘yung mga action scene dahil sa macho market ni Coco, medyo na-bother lang kami sa maiigting na barilan, na wagas kung magratratan ng machine gun tapos ay mga batang paslit ang nasa audience.

In fairness ay tama si Direk Mike Tuviera na sobrang funny nu’ng outtakes during the closing credits.

Super nakakatuwa lalo na ‘yung mga blooper ni Coco nang sumali si Jack sa ‘Mr. Poging Pulis’ contest ng “Eat Bulaga.” Havey ‘yung hirit ni Coco na pang-drama siya at grabe ‘yung kaba niya habang nagsasalita sa mikropono.

Bongga ang word of mouth ng “Jack Em Popoy: The Puliscredibles” kaya nadagdagan pa ito ng mga sinehan at marami pang maeengganyong manood nito.

Nakakabilib ‘yung post ni Coco sa Instagram na pinuri niya ang “Aurora” movie ni Anne Curtis at sinabi niyang, “Sana mapanood po ninyo ang pelikula na ito. Napakaganda po ng pagkakagawa!!! Congrats Ma’am sa sunod-sunod na magagandang pelikula mo!!!”

Sinagot ‘yon ni Anne ng, “Salamat Mister Officer! Huhu! Na-touch ako. Thank you!!! Sana makagawa din tayo one day!! Congratulations din sa buong team n’yo at ang lakas din ng movie n’yo!!!!”
May post din si Coco tungkol naman sa movie ng kaibigan niyang si Vice Ganda at ang sey niya, “Congrats sa lahat ng bumubuo ng ‘Fantastica’.

Napasaya natin ang buong Pilipinas sa araw ng Pasko!!!”
***

Dingdong tinukso si Terrence kay Vice

Buhay na buhay ang audience nang manood kami ng LFS ng “Fantastica” after naming mag-watch ng “Jack Em Popoy.”
Klik na klik sa audience ang brand ng comedy ni Vice, na kahit bigla na lang may mga pa-spoof ng “The Hows of Us” ay sakay na sakay ng fans.

In fairness ay napakaguwapo ni Richard Gutierrez sa movie bilang si Prince Pryce na dumaan sa portal galing sa mundo ng Fantastica.

Natuwa kaming makita ulit si Chard sa big screen. Ang cute ng mga eksena ni Richard with Vice at aliw kami sa akting niya na hindi siya kumakawala sa prinsipe karakter niya.

In fairness ay wagi ang punchline ni Dingdong Dantes nu’ng banggitin niya ang name na ‘Terrence’ sa isang mala-KathNiel na eksena nila ni Vice. Biglang nagpa-girl ang Vice at wala raw ‘yon sa script.

Si Jaclyn Jose ay sobrang riot sa eksenang nagpipigil ito ng ihi dahil sa panonood ng show sa perya, tapos ay kinantahan pa ito ng anak na si Belat, eh any moment ay sasabog na ang pantog nito!

Sa tatlong loveteam ay medyo nakalamang ang DonKiss dahil ang ganda ng singing­ moment ni Donny at ang ganda nu’ng song, pero si Edward Barber ang may best punchline.

Nang pansinin ni Belat na pinamumukulan ng boobs si Pepe dahil ininom pala nito ang pills niya, ang galing ng bitaw ni Edward sa linyang, “Kaya pala kumikirot ang utong ko!”

Kung may Marian Rivera na cameo for Dong ay meron din siyempreng Sarah Lahbati for Chard.

In fairness ay ang cute ni Zion Gutierrez, na human version ng asong si Boylet nang mag-transform ito sa ending ng movie.

Kung pagbabasehan ang tweet ni Vice Ganda na, “100 Million na palakhak, pagmamahal at pasasalamat po Madlang People sa buong Pilipinas!!! FANTASTIC tayo ngayong Pasko!!!” ay naka-P100M na agad sa takilya ang “Fantastica” sa ikalawang araw pa lang ng MMFF 2018!