Abante Tonite Interactive

Kahit may issue sa coronavirus: Civil Service Exam sa Marso tuloy

0 235

Tuloy ang nakatakdang Civil Service Exa­mination-Pen and Paper Test sa Marso 15, 2020 sa kabila ng isyu ng COVID-19.

Ito ang tiniyak kahapon ni Civil Service (CSC) Commisioner Atty. Aileen Lizada at ito aniya ay gagawin sa 66 na testing center sa buong bansa.

Kaugnay nito’y pinayuhan ni Atty. Lizada ang mga exami­nee na ang nakakaranas ng flu-like symptoms sa araw ng pagsusulit ay huwag na munang kumuha gayundin ang sinumang may tra­vel history sa mainland China, Hong Kong, Macau, at Taiwan o iba pang bansa na inisyuhan ng travel ban ng pamahalaan.

Papayagan naman silang makakuha ng pagsusulit sa buwan ng Agosto.
Kasabay nito’y tiniyak naman ni Atty. Lizada na may mga precautionary measure naman silang gagawin sa mga tes­ting site sa araw ng pagsusulit.

Base sa datos ng CSC, tinatayang may kabuuang 295,711 individual sa buong bansa ang kukuha ng exa­mination sa Marso.(Riz Dominguez)