Abante Tonite Interactive

Kahit may Little Booba: Ethel malabo pa ang kasal

921

Sina Kris Aquino, Heart Evangelista at John Prats ay ilan lamang sa mga kilalang celebrities na isinilang sa Araw ng mga Puso, February 14.

Ang 43-year-old singer-comedienne na si Ethel `Booba’ Gabison ay nagsilang last February 14. Ang kanyang unang supling ay tinawag niyang tinawag na `Little Booba’. Baby nila ito ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Jessie Salazar .

Bagamat may anak na sila hindi pa umano nila napapag-usapan ang planong pagpapakasal , Ang importante ay masayang-masaya sila.

Never na inakala ni Ethel na mabubuntis pa siya at magkakaroon ng sariling anak sa kanyang edad. Masaya na umano siya dati sa kanyang mga pamangkin.

Anne manganganak sa Marso

Ngayong nakapagsilang na si Ethel Booba, hinihintay naman ang paglabas ng first baby (also a girl) ni Anne Curtis sa kanyang husband na si Erwan Heussaff Mangyayari ito sa susunod na buwan.

May ilang buwan na ring naka-leave of absence sa noontime program na “It’s Showtime” si Anne para bigyang-daan ang kanyang pagiging first time mom.

Jasmine-Jeff nakapila ang wedding

Ang isang couple na inaasahang malapit na ring sumali sa wedding bandwagon ay sina Jasmine Curtis-Smith at Jeff Ortega. Kamakailan lamang ay nag-celebrate sila ng kanilang ika-4th anniversary bilang magkasintahan.