Abante Tonite Interactive

Kahit mommy, mag-ayos pa rin lagi

430

Magandang araw ulit sa inyo. Gusto ko lang i-share sa inyo na ako ay nag-soft launch na ng aking sariling cosmetic line. So sa u­nang batch ng Ara Colours nag­labas ako ng 7 shades ng Creamy Matte Lipstick. ‘Di niyo na po tatanungin mahilig po ako mag-lipstick or lip and cheek tint everyday lalo na ‘pag lumalabas ako like errands. ‘Di nawawala sa bag ko ang lipstick, powder foundation and concealer. Dapat kahit mommy na tayo nag-aayos tayo parati. Kasi nakaka-boost din siya ng confidence sa sarili. Magiging pakiramdam mo talaga na maganda ka.

Kung kayo ay may extra na pera mag-ipon kayo kahit makabili ka ng isang lipstick paisa-isa. Ang nakakatuwa sa Ara Colours, sinigurado namin na magiging affordable ang presyo (P195). Bukod doon, very simple lang ang mga pinili kong colors na puwede talaga gamitin everyday at anumang okasyon.

Sa July 31 na ang Grand Press Launch na aking Ara Colours. Ilalabas na rin namin ang 5 shades ng aking Lip and Cheek Tint ito naman ay mura din (P175) lang.

Marami pa akong ilalabas na products sa Ara Colours at ito talaga ang mga usual na ginagamit ko at ako pumili ng kulay, packaging at formulation para sa Ara Colours.

Para sa inyong katanungan puwede niyo ako i-DM sa instagram para masagot ko po. Ang Ara Colours Creamy Matte Lipstick ko ay mabibili sa Lazada, Shopee, www.arassecret.com, Ara’s Secret resellers and E­verbilena direct sales. Hanggang sa muli ulit. Stay beautiful!