Abante Tonite Interactive

Kahit naka-lockdown Nakawan laganap sa Taal Island

193

May nakakalusot na mga kawatan kahit naka-lockdown ang Taal Island.

Sa panayam ng himpilang DZRH nitong Linggo, sinabi ni Santa Teresita, Batangas Mayor Norberto Segunial Jr. na may napaulat na insidente ng nakawan ng relief goods sa mga barangay na naka-lockdown sa isla ng Bulkang Taal habang patuloy ang pag-aalburuto nito.

Gayunman, nilinaw ng alkalde na kanila pang kinukumpirma ang mga naturang ulat.

Ayon kay Segunial, posibleng ang may pakana ng nakawan ay mga residente rin na bumabalik sa mga lugar sa isla nang hindi alam ng mga awtoridad.

“Ang mga problema po d’yan ay ‘yung ibang mga residente o taga-ibang lugar, pumunta sila dito sa mga danger zone na ito tapos pinapatigil po nila ‘yung mga relief [good] at kinukuha nila,” wika ng alkalde.

Mungkahi ni Segunial sa mga gustong tumulong, dumaan muna sa staging area kung saan sila makakapili ng evacuation center na pagbibigyan ng mga donasyon para hindi mapagsamantalahan ng aniya’y ‘mga oportunista’. (Shane Dela Cruz)