Abante Tonite Interactive

Kahit pinutakti ng panawagan sa ABS-CBN franchise: Cayetano deadma lang

814

Kahit dumarami ang bilang ng mga kongresistang nananawagan para ­aksiyunan na ng Kongreso ang nakabin­bing panukalang may kina­laman sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN, tila deadma pa rin si House Speaker Alan Peter Cayetano.

Patuloy pa ring pinaninindigan ni Cayetano na walang dahilan upang apurahin ito at hindi pa ngayon ang tamang panahon para aksiyunan ito ng Kapulungan.

Sa halip, ayon sa House leader, ­tinitingnan niya umano ang buwan ng Mayo o Agosto na maituturing na ‘best timing’ para aksiyunan ang ­naturang panukala.

Muling ipinaliwanag ni Cayetano, kailangan nilang tutukan muna ang mas mahahalagang panukala na maaaring matatabunan o hindi maaksiyunan oras na simulan ang pagdinig ukol sa prangkisa ng naturang TV ­network. (Eralyn Prado)