Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kahit ROTC `di mo naranasan – Trillanes

0 920

TRILLANES: ROBIN PURO KA YABANG!

Binara ni dating Senador Antonio Trillanes IV ang aktor na si Robin Padilla matapos siyang hamunin na pumunta sa West Philippine Sea (WPS) para malaman kung sino ang matapang sa kanilang dalawa.

“Para sa kaalaman mo, Robin, ilang beses akong nagpatrolya dyan sa WPS at nakahuli pa ng Chinese poachers at surveillance ship noong ako ay nasa Navy pa,” sagot ni Trillanes sa hamon ni Padilla.

Sinabi pa ni Trillanes na kahit aniya ROTC ay hindi naranasan ng aktor at puro yabang lang ito.

Nauna rito, kinastigo ni Trillanes ang action star matapos siyang sabihan nito na tigilan na ang pagrereklamo at pagpuna sa kasalukuyang administrasyon.

Hindi pinaglapas ng dating senador ang banat na ito sa kanya ng aktor.

“[Sabi] ni Robin, [magtrabaho na lang daw at ‘wag na magreklamo.] Ano? #1 na [tayo] sa [pinakamaraming COVID cases sa SE Asia,” sabi ni Trillanes sa kanyang Twitter account noong Agosto 6.

Sa Instagram naman ni Padilla noong Agosto 7, pinasaringan nito si Trillanes sa perwisyong ginawa umano ng dating senador sa bansa partikular ang pagsagawa nito ng ilang beses na kudeta noong military pa.

(Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.