Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kahit sinabihang puro paganda: Chie bet si Madam Inutz na ‘big winner’

0 285

Hindi umano nagalit si Chie Filomeno kahit na sinabihan ito ni Madam Inutz na puro lang ito ganda at walang ambag sa loob ng PBB house.

Sa katuyan ay si Madam Inutz pa nga ang pinili ni Chi na bet niyang maging “big winner” sa mga housemate.

“Lahat ng pinagdaanan niya, she’s really a strong woman, and she’s a single mom, and alam ko lahat ng pinagdaanan niya. So, for me, siya pa rin ang Big Winner ko kahit nasabi niya nga na puro ganda lang ako,” pahayag nito sa Magandang Buhay.

Pagbibiro pa nito, puro naman umano talaga siya pagpapaganda.

“Pero ganda rin naman talaga ako. Charing!” ang natawang biro ni Chie.

Aniya, naiintindihan niya raw si Madam dahil kailangan nitong mag-nominate.

“Kasi, at the end of the day, kailangan talaga mag-nominate po. So, maiintindihan ko naman po din kung bakit ako na-nominate din,” saad ng aktres.

Dagdag pa ni Chie, hindi ito nakaapekto sa kaniya dahil umano alam nito ang mga nagawa niya sa loob ng Bahay ni Kuya.

“Hindi siya nakaapekto in a sense that alam ko kasi kung ano yung nagagawa ko, or nao-offer ko po sa loob ng Bahay ni Kuya, and yung ibang housemates nakikita iyon,” ani Chie. ( Sherrylou Nemis)

Leave A Reply

Your email address will not be published.