Abante Tonite Interactive

Kahit sino iboto n’yo, gusto ko healthy kayo – Doc Willie Ong

0 376

Imbes na hingin ang boto ngayong May 13, nagbigay na lamang ng mga tip si Doc Willie Ong kung paano maiiwasan ang sakit sa araw ng botohan.

Pakiusap niya sa mga botante, magbaon ng tubig sa pagpunta sa presinto.

Ikalawa ay bumoto ng maaga para hindi pa mainit.

Sa mga hindi na bata, inumin ang maintenance na gamot sa high blood, puso at diabetes.

Dapat din na maging kalmado sa pagboto dahil ang sobrang galit ay puwedeng magdulot ng high blood at atake sa puso.

Kapag lumampas na sa 140/90 ang blood pressure, inirekomenda ni Ong na magpahinga muna at uminom ng gamot.

“Kahit sino pa ang iboboto niyo, ang gusto ko ay HEALTHY kayo,”giit ni Ong.

Umani naman ng sampung libong like at higit 500 komento ang pinost ni Ong sa kanyang official Facebook account.