Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kahit sino puwde sa ginto – Hidilyn

0 44

Hindi nagkukumpiyansa kahit siya ang paborito na magwagi sa ginto sa kanyang dibisyon si Olympic champion Hidilyn Diaz sa pagtanggi nito na mahina at kayang lampasan ang oposisyon sa 31st Southeast Asian Games weightlifting battle simula Mayo 19 hanggang 22 sa Hanoi Sports Training and Competition Center.sa Vinh Phuc, Vietnam.

“Ang bawat isa sa atin ay maaaring manalo ng gintong medalya at hindi ko mabanggit ang mga pangalan dahil lahat tayo ay ginagawa ang lahat ng ating makakaya para manalo,” sabi ni Diaz, na tumanggi magbigay prediksiyon.

“I can’t make any prediction since all athletes are capable to win a gold medal,” sabi pa ng 2021 Philippine Sportswriters Association Athlete of the Year na tinapos ang pakauhaw ng bansa sa gintong panalo sa Tokyo Olympics.

SM food to go Banner Ad

Isang araw pagkatapos dumating sa Ho Chi Minh Citybkahapon ay agad sumabak ang 31-anyos na Zamboangueña sa pagsasanay sa Steel Saigon gym para paghandaan ang gold medal bid sa women’s 55kgs category sa Mayo 20.

Matatandaan na siya ang nagwagi sa weight category noong 2019 Philippine SEA Games.

“I’ll train for one week here in Ho Chi Minh City to prepare myself,”,” sabi ni Diaz, isa sa mga bituin sa pambansang koponan kasama ang gymnast na si Carlos Yulo, pole vaulter EJ Obiena, teen tennis star Alex Eala, ang mga boksingero na nanalo ng medalya sa Tokyo Games, at ang Gilas Pilipinas squad. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.