Abante Tonite Interactive

Kahit sumadsad sa rating, Pangulong Duterte tutok lang sa trabaho! – Palasyo

By
2,401

Hindi apektado ang Malacañang sa resulta ng Social Weather Stations survey kung saan sumadsad ng 12 puntos ang net satisfaction rating ni Pangulong Duterte sa unang quarter ng 2018.

Inihayag ito ni Pre­sidential Spokesman Harry Roque kasunod ng +58 net satisfaction rating ng Pangulo ngayong Marso kum­para sa +70 na nakuha nito noong nakalipas na December 2017.

Sinabi ni Roque na sa kabila ng bumabang rating, nagpapasalamat pa rin ang Malacañang dahil ‘very good’ pa rin ang marka ng Pangulo.

Abante Hiring – IT dep

Makakaasa aniya ang sambayanan na magpapatuloy ang pagsisikap ng admi­nistrasyon para mapagtagumpayan ang hangaring maiahon ang mayorya ng mga Filipino mula sa gutom at kahirapan.