Abante Tonite Interactive

Kahit wala sina John Lloyd, Piolo: Toni, Vhong panalo sa rating

0 316

tonite-this-is-it-roldan-castroPatuloy ang pagsuporta ng Kapamilya kay Julie na ginagampanan ni Toni Gonzaga sa bagong kabanata ng kanyang buhay noong Sabado (Mayo 11) sa “Home Sweetie Home.”

Ayon sa Kantar Media, mas maraming Pilipino ang napukaw at natuwa sa bagong pamilya ni Julie kaya naman nakakuha ang palabas ng 37.2 percent.

Hindi lamang sa ratings nanguna ang sitcom, number one din ang hashtag nitong #HomeSweetieHomeExtraSweet sa trending topics sa Twitter.

Umaapaw na papuri ang natanggap ng show sa netizens sa pagsasama nina Vhong Navarro, Alex Gonzaga, Bayani Agaba-yani, at Toni sa iisang show. Inantabayanan din ng fans ang “PBB Otso” housemates na sina Fumiya Sankai at Yamyam Gucong sa unang palabas nila sa Dos.

Pahayag ni Twitter user @JPValdez2019: “Congrats sa #HomeSweetieHomeExtraSweet sa kanilang episode noong nakaraang linggo. Masaya ako na lahat ng pinakasikat sa co-medy ay nagpagsama-sama sa show na ito. Gusto ko itong concept na combination ng Palibhasa Lalake at Ok Fine Whatever pero hindi mawawala ang moral values ng show.”

Sabi ni @TheArch70456136: “Sobrang ganda ng casting. Natural na natural lang lalo na ang batuhan ng asaran nina Alex at Luis.”

Natuwa naman si @Clyde22_Deluxe5 sa Gonzagattttt sisters: “Ang kulit ng magkapatid na Gonzaga. Galing din ng bagong cast.”

“Tawang tawa ako ang cute nina Hiro at Bogs. #HomeSweetieHomeExtraSweet,” komento ni @GTSJDG.

Noong Sabado (Mayo 11), natunghayan ng mga manonood ang paglipat ni Julie sa kanyang Tita Oya (Rio Locsin) nang maupos ang bahay nito. Sakto naman na pumayag din si Tita Oya na tumuloy muna ang half-sister ni Julie na si Mikee (Alex) matapos makulong ang nanay nito. Maliban sa kapatid, nagkaroon din siya ng bagong kaibigan sa katauhan nina Pip (Luis), Edwin (Bayani), at Ferdie (Vhong) pati na ang mga kasama nila sa baranggay na sina Hiro (Fumiya), isang exchange student, Bogs (Yamyam), isang tagabantay sa ‘pera padala’ na pagmamay-ari ni Kap Frank (Bobot Mortiz).

Patuloy na tangkilikin ang kuwento ni Julie at ng kanyang bagong pamilya sa “Home Sweetie Home” tuwing Sabado pagkatapos ng “TV Patrol.”
***

Alex persona non grata sa Parañaque

Nawala agad si Alex Gonzaga sa presscon ng “Home Sweetie Home Extra Sweet” pagkatapos ng Q & A.

Uuriratin sana siya sa tsikang persona non grata umano siya sa Parañaque.

May sinabi umano si Alex laban sa alkalde noong campaign period. Kinakampanya niya kasi ang party-list na Juan Movement.

Pero humingi na umano ng tawad si Alex sa mga na-offend niya. Emosyonal lang daw siya nang marinig ang istorya dahil pareho umano sa sitwasyon ng kanyang ama sa Taytay, Rizal.

Anyway, binabatikos ngayon si Alex ng ilang netizen. Cancelledt siya sa online community. Ang cancelledt ay may bagong kahulugan sa millennial generation.

Ayon sa Odyssey online, ginagamit ito ng netizens ‘pag hindi nila gusto ang tao na ang ibig sabihin ay “no longer matter and what happens to them should no longer matter.

Sa Scout Mag PH naman ay “cancelledt is usually used after someone is called out for something unpleasant they’ve done or said.”

Gabi ng tawanan at kantahan ang handog sa grand opening ng ML Comedy Bar sa May 18, 2019! Ito’y matatagpuan sa Mess Hall, Montalban St., Imadejas, Butuan City.

Tampok ang tandem ni AJ at Le’ Chaz. Pati na rin ang gay imperso-nator na gali-ng sa Metro Manila.