Abante Tonite Interactive

Kahit walang Ravena, NLEX swak vs Blackwater

By
2,369

Mga Laro Bukas: (MOA Arena)
4:30 pm – Columbian vs. TNT
7 pm – Ginebra vs. Meralco

Walang Kiefer Ravena at Kevin Alas sa kanyang backcourt, napiga ni Coach Yeng Guiao sina Juami Tiongson at Alex Mallari para itawid ang NLEX sa 93-89 panalo kontra Blackwater sa Smart Araneta Coliseum kagabi.

Hindi naglaro si Ravena dahil sa 18-month suspension na ipinataw dito ng FIBA matapos magpositibo sa banned substance at out na sa season si Alas dahil sa ACL injury.

“Our focus now is moving on without Kiefer for the meantime,” ani Guiao, aminadong mahirap mag-survive na wala sina Ravena at Alas. “We’re tr­ying to get ­something out from everybody. We’ll try to survive as long as we can.”

Naka-survive sila sa unang subok, rumesponde si Tiongson ng 10 points at 10 assists sa loob ng halos 31 minutes. May 10 points din si Mallari na namigay pa ng five feeds para tulungan ang NLEX sa pangalawang panalo sa anim na laro sa PBA Commissioner’s Cup.

Nagsumite ng 26 points, 16 rebounds at five assists si Arnett Moultrie, pero nakalista sa kanyang pangalan ang pito sa 19 turnovers ng Road Warriors.

Ibinalik ng Elite si Henry Walker pero nagkasya lang sa 12 points mula sa 2 of 15 shooting, may 15 rebounds sa 43:48 minutes. Mailap pa rin ang panalo sa Blackwater pagkatapos ng pitong subok. Nanguna ang 25 points ni Michael Digregorio sa Elite.

Seesaw ang first three quarters ng laro, papasok ng fourth ay nasa unahan pa ang Blackwater 71-67 pero nakipagpukpukan sa dulo ang Road Warriors sa pangunguna nina Moultrie at Mallari.

Sa layup ni Moultrie at ­jumper ni Tiongson ay inagaw ng NLEX ang manibela 87-86, 2:44 sa laro.

Huling dumikit ang ­Blackwater 90-89 sa free throws ni ­Digregorio, pero naka-steal si Mallari na ­tinapos niya ng layup para ilayo sa tatlo 9 seconds na lang bago sinelyuhan ng kanyang free throw ang panalo.