Abante Tonite Interactive

Kahit zero tolerance: Mga vendor tinulungan ni Isko

616

Sa kabila nang ginawang pagpapatawad sa mga nahuling vendor na pinagbawalang magtinda muna kaugnay ng isinasawang Traslacion, sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na mahigpit pa ring ipaiiral ang zero telerance laban sa mga illegal vendor.

Kahapon ilang vendor ang hinuli at sinamsam ang mga paninda sa may Quiapo area kasabay ng isinasagawang Traslacion at mismong si Mayor Isko ang humarap sa mga nahuling vendor para ipaalala ang kanilang ginawang paglabag sa utos ng pamahalaang lungsod.

Subalit isang matandang vendor na babae ang mahigpit na nakiusap kay Isko na ‘wag kumpiskahin ang kanyang mga paninda dahil siya ay nagpapagamot at tanging pagtitinda lamang ang kanyang kinabubuhay.

Biglang bumunot ng pera si Isko at binigay sa ginang.

Dito umani ng reaksyon ang ginawa ng alkade. Marami ang natuwa dahil ipinakita lang umano nito na ang pamahalaan ay may puso.

“Bilang pagpapakita din na ang pamahalaan ay may puso. There is still a human inside us, but nasuwertehan lang nila ‘yun. We are always certain and it ‘zero tolerance poli­cy’ will continue,’ sabi pa ni Mayor Isko.