Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kahon-kahong expired na gluta product sinunog

0 56

Para mapangalagaan ang kalusugan ng publiko, sinunog ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport ang nasa 52 kahon ng mga expired na glutathione product na may timbang na 260 kilos sa Trece Martires, Cavite noong September 3-4, 2020.

Tinukoy na hindi na ligtas gamitin ang mga glutathione product dahil sa pagiging expired na.

Ang mga glutathione product ay mataas sa antioxidant na naging popular na pamputi ng baklat.

Bilang pagsunod sa direktiba ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero, patuloy umanong magiging mapagmatyag ang BOC-NAIA at sisiguraduhing hindi makakalusot sa publiko ang mga expired, hazardous at harmful product lalo na ngayong COVID-19 pandemic.

Ayon kay District Collector Carmelita Talusan, ang mga sinunog ay bahagi ng 16.03 tonelada ng mga iligal, kumpiskado at puslit na produkto na sinira rin sa mga nabanggit na araw.

Leave A Reply

Your email address will not be published.