Abante Tonite Interactive

Kahulugan ng panaginip Fantasy lover

1,997

Nanaginip akong mainit na nakikipag-sex subalit hindi ko kakilala ang partner ko…

Sa lipunan na ating ginagalawan, hindi na malaking isyu ang sex kaya naman ang managinip nang nakikipag-sex ay hindi nangangahulugan na naghahanap ka nga ng excitement na hatid ng sex sa tunay na buhay.

Kung sa aspeto ng pakikipagrelasyon natin ire-relate ang iyong panaginip, maaaring napapagod ka sa kasalukuyang tinatakbo ng relasyon at pakiramdam mo’y hindi mo makuha sa iyong partner ang hinahanap mong lebel ng pagmamahal.

Hinahanap ng iyong sub-conscious ang taong inaakala mong tunay na Mr. Right na magbibigay sa iyo ng ibang lebel ng pagmamahal. Ikaw lang ang makakasagot subalit posible kayang hudyat ito na nakukulangan ka sa taong nagmamahal sa iyo?

Kung sa panaginip mo ay hindi mo kilala ang taong ka-sex mo ngunit ramdam mo ang init ng romansa sa iyong paggising, maaari itong ipakahulugan na marami ka pang pinipigil sa iyong sarili. May nilalabanan ka bang tukso?

Related Posts

Kung ganito nga ang iyong sitwasyon, nagpapaalala ang panaginip sa paghahanap ng ibang magmamahal kahit batid mo na sa tunay na buhay ay hindi mo naman ito gagawin.

Pero hindi nga lamang sa relasyon puwedeng ibase ang kahulungan ng iyong panaginip, maaari rin namang may kinalaman ito sa iyong career. Napapagod at nababagot ka na ba sa iyong kasalukuyang trabaho? Nag-iisip ka bang magbago ng career o lumipat kaya ng ibang kumpanya? O kung nag-aaral ka pa lamang, nag-iisip ka bang lumipat ng ibang kurso?

Sa ganitong aspeto, maaaring ipakahulugan ang iyong panaginip na bukas na ang isip mo o handa ka na para sa isang pagbabago o sa isang oportunidad sa iba pang aspeto ng buhay tulad ng iyong career.

Ang iyong fantasy lover–isang taong hindi mo kilala at maaring hindi mo pa nakikita sa iyong buong buhay–subalit mainit mong kaniig sa iyong panaginip ay perpektong simbolo ng isang malaking pagbabago na handa mong tanggapin sa hinaharap.

Anuman ang nangyayari sa iyong buhay, saan mang aspeto ito akma, may dapat kang pag-isipan at timbangin.