Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kai 2022 pa pasok sa NBA Draft

0 290

Sa isang taon pa matutupad ang pangarap ni hoops phenom Kai Sotto na makadribol sa NBA dahil hindi pa eligible para sa taong itong NBA Draft sa darating na Hunyo.

Ibinahagi Miyerkole ni East West Private CEO Patty Scott, humahawak kay Sotto, na magiging eligible palang ang 18-year-old big man sa 2022 major league draft.

“To remind everyone, actually, he just graduated from high school a few weeks ago, and with the help of NBA agent Sarah Espaldon… (We) determined exactly his eligibility. And therefore the announcement that we have now is that he actually was not eligible for the 2021 Draft,” esplika ni Scott sa virtual press conference.

SM food to go Banner Ad

Isiniwalat naman ni agent Joel Bell na kahit maging eligible ngayong taon sa NBA Rookie Draft ang Pinoy, tiyak na mapipili pa rin ang 7-foot-3 hoopster base sa negosasyon niya sa ilang teams.

Inanunsyo naman ni Sotto na sa Adelaide 36ers ng National Basketball League sa Australia muna siya maghahasa bago maglaro sa Gilas Pilipinas. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.