Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kai atat ‘mabinyagan’ sa Gilas

0 76

Sabik nang makasama ni Australia’s National Basketball League (NBL)-bound Kai Zachary Sotto ang Gilas Pilipinas na nagba-bubble training sa Inspire Sports Academy sa Calamba para sa 30th International Basketball Federation (FIBA) Asia Cup Qualifiers sa Clark sa June 16-20.

Ibinahagi ng Pinoy cage phenom, na bumalik sa ‘Pinas mula Amerika nitong May, sa Playitright TV nina Joaquin Henson at Dyan Castellejo Miyerkoles, na kasalukuyang tinatapos na lang niya mandatory two-week quarantine sa tinutuluyang hotel.

“I’m completing my IATF quarantine and I’m just waiting for the announcement for when I’ll be leaving for the national team training bubble,” lahad ng 19-year-old, 7-foot-3 center. “I’m ready, I’m excited and I can’t wait,”

SM food to go Banner Ad

Dalawang beses nang naudlot ang Gilas seniors debut ng Las Piñas native nitong Pebrero Pebrero at Marso sa bansa at Middle East dahil sa mga pagsirit noon ng pandemya.

Kaya sa ngayon hindi na makapaghintay pa si Sotto sa pagkakataon.

“It’s a dream come true, it’s almost a no-brainer when I have an opportunity to play for the men’s national team for the Philippines because I’ve been waiting for this moment, I’ve been waiting for this opportunity and now I have a chance to play so I just kept on working and I just can’t wait,” sey pa niya. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.