Abante Tonite Interactive

Kai bibida sa US sports site

358

Dapat ma-excite ang mga Pinoy basketball fan dahil masisilayan na si National Basketball Association (NBA) prospect Kai Zachary Sotto sa Bleacher Report.

Sa Twitter account ni Sotto, binahagi niya ang shooting para sa feature na ginagawa sa kanya ng isang US sports site.

“Humbled that @BleacherReport spent the last two days with me and my team. Story’s are meant to be shared and to give a path for generations to come,” ayon sa tweet ng 7-foot-2 Pinoy phenom cager.

Kakagaling lang ng 17-anyos sa pag­lahok sa 6th Basketball Without Borders Global Camp sa kaagahan ng buwang ito kung saan tinuruan sila ni NBA champion Pascal Siakam, at Chicago Bulls star Lauri Markkanen. (Raymark Patriarca)