Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kai bumabad sa NBA 2K

0 577

Sinamantala ni Kai Zachary Sotto ang sandaling pamamahinga sa pag-eensayo bilang paghahanda sa 19th National Basketball Association G League 2020 sa Estados Unidos sa paglalaro ng electronic games NBA 2K.

Sa isang Instagram post kamakalawa ng 18-anyos at may taas na Pinoy phenom, masaya siyang nakikipaglaro sa isang kasama sa bahay sa Tate habang nakaupo sa malaking sofa at tutok sa video game.

“NBA 2K muna habang walang practice featuring @kzsotto, @cholo.anonuevo and Spiderman! @eastwestprivate,” caption niya sa picture post.

Pautay-utay pa lang ang praktis ng dating Gilas Pilipinas junior team Ateneo Blue Eaglets habang hinihintay ang nakatakdang pagsimula ng developmental league ng NBA. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.