Abante Tonite Interactive

Kai dapat tigasin

0 308

DAPAT magpalaki pa ng katawan si Kai Sotto kung nais niyang makasabay sa bigating mga karibal sa G-League.

Ito ang payo ng dating teammate ni 7-foot-2 Sotto sa Ateneo Blue Eaglets na si Forthsky Padrigao.

“He really needs to bulk up,” saad ng two-way guard ng Eaglets na si Forthsky, kasama dapat ni Kai sa Basketball Without Borders Global Camp sa Amerika subalit piniling maiwan upang maglaro sa stepladder semis nitong Pebrero.

“Iba na ‘yung competition doon. Pero tiwala ako kay Kai. Matalinong player si Kai at skilled. Kaya wala ka nang poproblemahin. Talagang ‘yung katawan na lang niya.”

Hindi na maglalaro si Kai sa college hoops sa Amerika kahit maraming offer sa kanya at piniling pumirm sa pinakabagong G-League squad kung saan ay makakasama niya ang Fil-Am at top NBA prospect na si Jalen Green. (Abante Sports)

Tonite – Wendys Inhouse Ad