Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kai diskarte swak sa NBA

0 75

Kung si dating Gilas Pilipinas coach Rajko Toroman ang tatanungin, nasisilip niyang matatapik si Kai Zachary Sotto sa second round ng 76th National Basketball Association 2022 Draft sa Barclays Center sa Brooklyn, New York sa Huyo 23.

Ayon sa Serbian sa ulat ng Spin.ph, napansin niya ang naging improvement ng 19-year-old, 7-foot-3 center sa katatapos na kampanya ng player sa Adelaide 36ers sa 44th Australia’s National Basketball League 2021-22 regular season.

“If he goes in the draft, he will be picked because of his size and his skills in the second round, which is great,” litanya ni Toroman sa SPIN POV (Point of View) podcast nitong Martes.

Pero hinirit ng Indonesia national team taskmaster, na may tsansang mapili ang Pinoy cage phenom mula sa Las Piñas, sa first round kung nanatili pa ng isang taon sa Australia o sa Europa.

Sa kanyang unang pro stint sa NBL, pumoste si Sotto ng average na 7.6 points at 4.5 rebounds per contest sa Adelaide 36ers. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.