Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kai, Gilas sabak sa Super League

0 108

Kinukunsidera ng Philippine Basketball Association (PBA) ang pagsama sa pinangungunahan ni Kai Zachary Sotto na Gilas Pilipinas bilang isa sa dalawang pambato sa $1.750M (P87.5M) 1st East Asia Super League (EASL) sa Oktubre 2022.

Ito ang ipinaihayag ni PBA Chairman Victorico Vargas kasama sina Commissioner Willie Marcial at EASL CEO Matt Bayer sa virtual press conference Huwebes hinggil sa bubuo sa dalawang PBA squad na ikakasa sa 8-team Season 1 ng Premier Home-and-Away Pan-Regional League.

“We are still still in discussion of having the best four teams, and by drawing of lots in forming the teams, and the other is to include the Gilas Pilipinas team in coordination with Samahang Basketbol ng Pilipinas” ani Vargas.

Ipinaliwanag naman ni Marcial na isinama na sa kalendaryo ng unang Asia’s play-for-pay hoop ang EASL 2022 na magaganap matapos ang midseason ng 47th PBA 2022.

Ang Top 3 EASL finisher ay mga mabibiyayaan ng $1M (P50M), $500K (P25M) at $250K (P12.5M).

Makakalaban ng dalawang bet ng PBA ang Top 2 ng B.League ng Japan, Korean Basketball League, top Super Basketball League o P. League ng Chinese Taipei at apat na EASL franchise team o Greater China na kinabibilangan ng China, Macau, Hong Kong at Chinese Taipei . (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.