Abante Tonite Interactive

Kai naiyak sa mga fan

377

Nag-open up ang EXO nang mag-guest sila recently sa “Radio Star”.

Nag-share sila ng mga plano sa future nila at sa grupo. Kung magre-renew pa rin ba ang bawat isa sa kanila sa same label, which is SM Agency.

So far, mukhang positibo pa rin naman na buo pa rin ang grupo nila kahit na isa-isa na sa kanila ang papasok ng mandatory military service.

Ang maganda sa EXO, sa loob ng ilang taon nilang pagsasama, hindi na raw “business” ang turingan ng bawat isa kundi pamilya na.

And since lately nga, ilang idols na ang nababalitang nade-depress o may mental health issue, nagiging strength daw nila ang isa’t isa.

Pero, nagulat din ang ilan sa mga fan ng EXO, lalo na ang mga tagahanga ni Kai nang magbigay ito ng comment na worried siya.

Sa EXO, sina Baekhyun at Kai ang masasabing sobrang busy ngayon dahil sa mga promotion nila na sa ibang bansa para sa “Super M”.

Sabi ni Kai, “I think all of the members are strong mentally. I don’t have any worries. But when I think about myself, I’m someone who definitely gets influenced when I look at malicious comments. And I think that I’m not strong mentally. So now I don’t even look at them, I try to avoid them. I also tend to blame myself and have regrets, so I’m trying to change that too.”

Posibleng may pagkakataon na baka napi-pressure raw ito kapag tingin nito, may hindi siya napapasayang mga fan.

Tulad na lang nang mag-live siya noong December 4 para i-comfort ang mga fan na kahit nag-effort na maka-score ng ticket sa concert ng EXO sa Korea ngayong December ay hindi naman pinalad.

Kitang-kita raw na si Kai mismo ay tila maiiyak para sa mga fan.

Sa isang banda, among the South Korean stars, si Kai ang may pinakamataas na ranking na pumasok sa GQ’s “The 50 Dressed Men of 2020”. Pang-seven si Kai. Naungusan lang siya nina Timothée Chalamet, Brad Pitt, Lil Nas X, David Beckham, Skepta at Keanu Reeves.