Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kai niladlad gamit sa G-League

0 370

Pinakita ni Kai Zachary Sotto sa samabayanan ang kanyang natanggap na mga gamit para sa nakatakdang paglalaro sa 19th National Basketball Association G League 2020 sa Estados Unidos.

Sa kanyang ang Instagram niladlad ng 18-anyos, 7-2 ang taas na Pinoy phenom, ang mga binigay kahapon ni NBAGL President Sharif Abdul Rahim , na G League shirt, cap, at Tumi bag para sa select squad na sasalangan niya.

“We’re so excited to have you with the pro path team, with the G League. We want to welcome you to the NBA family and we’re excited to tip your first season off,” wika ng Amerikano na nilarawan din si Sotto na isa mga astig sa batch at pinakamahusay na batang basketbolista sa Asia.

Sa caption ni Sotto sa mga litrato: “Blessed to be a part of such a great organization.”

Makakasangga ng Batang Gilas sa team sina Fil-Am Jalen Green, Jonathan Kuminga, Daishen Nix, Isaiah Todd at iba pa. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.