Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kai papasiklab bago NBA Draft

0 45

Inaasahang babatak sa 12 pre-draft workouts kasama ang ilang NBA teams si basketball stalwart Kai Sotto bago ang 2022 NBA Draft sa susunod na buwan.

Ayon kay league basketball insider Adam Zagoria, “Kai Sotto, the 7-foot-3 big man from the Philippines, has a dozen workouts with NBA teams scheduled beginning May 23, per league sources.”

“He has until June 13 to withdraw form the Draft if he chooses,” detalye nito.

Magugunita na para sa kanyang unang professional stint, drumibol ang 19-year-old big man para sa Adelaide 36ers ng Australian National Basketball League.

Pumoste si Sotto ng average na 7.5 points at 4.5 rebounds per game kasama ang 36ers.

Sakaling palarin na makapasok sa NBA, si Sotto ang magiging unang Pinoy homegrown cager sa liga.

Tatanghalin ang annual NBA Draft sa darating na Hunyo 23. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.