Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kai problema ang shower

0 250

Problema minsan ang sobrang tangkad para sa 7-foot-3 na si Kai Zachary Sotto.

Hindi nakapagpigil ang 19-anyos na si Sotto na mag-post ng kanyang problema sa paliligo dahil sa mababa na dutsa at lumampas ito sa mismong shower ng kanyang tinutuluyan habang kasalukuyang nasa quarantine matapos itong magbalik sa bansa noong Lunes para sa inaasam na paglalaro sa Gilas Pilipinas.

“Tall people problems,” post ni Sotto sa litrato nito na lampas ang ulo sa shower.

Umaasa si Sotto na mas mapapabilis ang kanyang quarantine sa 10 araw na lamang upang agad na makasama sa bumubuo sa Gilas pool na patuloy na naghahanda sa ikatlo at hulling window ng FIBA Asia Cup Qualifiers sa Clark, Pampanga at sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Serbia. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.