Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kai sa Bora umeksena

0 52

NABULABOG ang ilang turista sa Isla ng Boracay nang maispatan si 7-foot-3 cager at Gilas Pilipinas center Kai Sotto.

Mismong ang 19-anyos na basketbolista ang nagbahagi sa kanyang Instagram kung gaano ito ka-enjoy sa kanyang pag-time out habang nagbabakasyon kasama ang ilan niyang kaanak at kaibigan.

Kita rin sa ibinahagi nitong larawan ang pagpapatirintas niya ng buhok o hair braid na may caption pang `Chillin’ habang todo naman sa pagpapamasahe ang kanyang mga kasamahan.

Halatang hindi rin matatawaran ang saya nito sa kanilang jump shot kasabay na rin ng pagtakbo sa puting buhanginan ng isla.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Finished 5KM run,” saad pa nito bilang bahagi na rin ng kanyang pagpapakondisyon.

Nagbalik-‘Pinas si Sotto para maglaro sa FIBA Asia Cup Qualifiers at sa Belgrade OQT sa Serbia kamakailan.

Nabitin ang pinapangarap nitong NBA stint pero nakatakda namang magaro para sa Adelaide 36ers sa National Basketball League (NBL). (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.