Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kai sa Gilas sapol ng G League

0 136

Biglang lumabo ang nakatakdang ‘binyag’ ni Kai Zachary Sotto sa Gilas Pilipinas na kakampanya sa International Basketball Federation (Fiba) 2021 Asia Cup final window sa February 18-22 sa Clark, Angeles, Pampanga.

Sapol ang event sa opening ng 20th National Basketball Association (NBA) G League 2021. Mag-uumpisa ang training camp ng Bubble set up hoopfest sa January 29 sa Atlanta, didribol ang regular season play sa Feb. 8 at ang playoffs naman ay sa March 8, base sa ulat ng ilang pahayagan sa Estados Unidos nitong Martes.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Inihayag Huwebes ng nakaraang Linggo ng 18-year-old, 6-foot-2 at Las Piñas native ang intensyong makalaro sa unang pagkakataon sa Gilas Pmakaraan ang ilang ulit na pamumuno sa Batang Gilas.

Bahagi si Sotto ng Ignite team na kasali sa G League .

Makakatuos ng 3-0 Pinoy quintet ang arch-nemesis 2-0 South Korea sa Feb. 18 at 22, at 1-2 Indonesia (1-2) Feb. 20 sa Asian Cup. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.