Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kai sabik mag-perform ng live

0 119

Nang dahil sa nangyayaring pandemic globally, hindi lang ang mga tagahanga ng mga celebrity ang nakaka-miss na mapanood mag-perform na may audience.

Nagpahayag din ang EXO member at Super M member na si Kai ng matinding pagka-miss niya na mag-perform ng live.‘Yung nasa harapan niya ang mga tagahanga habang nagpe-perform.

Ayon sa interview ni Kai sa 1st Look Magazine, “I love the stage in itself, but fans are what make the stage so special. I feel joy when I see the fans’ expressions and hear them cheering, and that joy gives me more energy and helps me to focus on the emotions.”

“Several times a day lately, I think about how I want to do a performance or concert together with fans there.”

Umaasa rin ito na sana nga raw, mawala na ang COVID-19 at makabalik na muli sa normal ang lahat.

“I hope that soon the day will come when I can do a performance that’s full of life and energy.”

At habang hindi pa allowed ang mga live performances, isa rin si Kai sa nag-iisip ng mga paraan para ma-enjoy pa rin niya ang situwasyon ngayon.

Sey niya, “I think lately I try to enjoy each and every day. I always want to do this work for a long time. I think about the direction to take that will help me always be happy and healthy.”

Sa isang banda, si Kai, kasama ang mga member ng Super M ay kumpirmado na ang appearance sa American show na “The Late Late Show with James Corden” . Magpe-perform sila ng kanilang first studio album na “Super One.”

SuperM’s appearance ay ipalalabas ngayong October 23 at 12:37 a.m.

Leave A Reply

Your email address will not be published.