Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kai simula na ang G League training

0 77

Kata-kits na si Kai Zachary Sotto at mga kakampi sa National Basketball Association Gatorade League Select Team para sa training camp sa nalalapit na pagbubukas ng 19th NBA G League 2020-21 sa Estados Unidos.

Ipinaskil nitong Martes ng 18-anyos, 7-2 ang taas na Pinoy cage phenom sa kanyang IG account na nasa Walnut Creek, California na siya noong Lunes, kasama sina Jalen Green, Jonathan Kuminga, Princepal Singh, Isaiah Todd at iba pang teammates.

“Beginning of a new chapter that’s about to be legendary,” caption ni Sotto sa isang litrato habang nakaupo.

Nasa lugar na rin sina coach Brian Shaw, assistant coach Rasheed Abdul-Rahman, video coordinator Jerry Woods, at athletic trainer Pete Youngman.

Nitong Marso pa dapat magbukas ang season ng NBA developmental league, pero kinansela dahil sa pandemya. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.