Abante Tonite Interactive

Kai Sotto, papuntahin sa Tate!

By
1,183

Ano itong balita na ang 15-year old, 7-foot one student na si Kai Sotto ay naimbitahang sumali sa basketball program ng Gonzaga University sa U.S.

Maganda ang prog­rama ng Gonzaga, lalo na sa mga matatangkad na player, at na­ging matagumpay itong unibersidad sa lara­ngan ng basketball, dahil sa mga produkto nilang mga player na nakatuntong sa NBA.

Nasa 13 kasaluku­yang NBA players na ang nanggaling sa Gonzaga.

Ngunit ito agad ay kinontra ng dalawang sikat na coach, si Tab Baldwin ng Ateneo at si Tim Cone ng Ginebra sa PBA.

Sabi ni coach Tab, hindi raw siya mas­yado bilib sa mga training program ng Estados Unidos, at pangalawa, baka raw magkaron ng eligibility problems dito.

Si coach Tim Cone naman, kung sa bangko lang lagi si Kai at hindi bibigyan ng playing time, baka mas lalong mabobo sa laro. Hindi ako sang-ayon sa mga pananaw ng dalawang magagaling na coach.

Kung ako ang tatanungin niyo, gusto ko matuloy si Kai sa Gonzaga. Bakit kamo?

Ang unang rason ay mas lalo siya mabobobo dito sa Pilipinas kasi sumasali siya sa mga ligang maliliit ang mga kalaban. ‘Di ba mas maganda kung ang makakalaban niya ay malalaki at mabibilis?

Pangalawa, 15-an­yos pa lang si Kai at kung sakaling sasali siya sa Gonzaga University, kahit pa siguro 5 taon siya doon, pagbalik niya sa Pilipinas, hinog na hinog na siya para sa national team.

Nasa 20 to 21 years old pa lang siya pagbalik niya sa Pilipinas.

Sabi ni coach Tim, baka nakaupo lang sa bangko kung may laro ang koponan ni Kai. Hindi naman siguro.

At kung hindi man mabigyan ng mara­ming playing time, may ensayo naman sila araw-araw, at siguradong made-develop si Kai doon.

Marahil hindi pa siguro kilala ni coach Tim at coach Tab si Rui Hashimura, ang 6 ft. 11 center ng Japan, siya ngayon ang pinakadominanteng sentro sa Japan.

Sa Gonzaga University nag-training si Rui Hashimura. Noong unang naglaro siya sa Japan, tinalo nila ang koponan ng Australia.
Kai, sana makaalis ka na.