Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kai, Thirdy sa PBA babagsak

0 342

KUMPIYANSA si Board chairman Ricky Vargas ng TNT na kalaunan ay mas pipiliin din nina Thirdy Ravena at Kai Sotto na maglaro sa PBA.

May rule ang pro league para sa eligible amateurs na may two-year window sila para sumali sa PBA.

Sakaling hindi sila nagpa-draft pagsapit ng eligibility (natapos ng college o nakapaglaro na sa D-League halimbawa), may dalawang taon pa sila para bumalik.

“It’s just a delay,” ani Vargas sa desisyon ni Ravena. “Our rules state that two years from eligibility, they have two years to join the PBA.”

Si Thirdy, natapos ang tour of duty sa Ateneo pero hindi nagpa-draft sa PBA noong December, rarampa na sa Japan B League matapos tanguan ang alok ng San-en NeoPhoenix na maging Asian import ng team..

Si Kai Sotto, nag-skip ng college sa Pilipinas at pumunta ng US.

Ngayon ay nasa G League si Kai, sumusubok ng tsansang matupad ang pangarap na makapaglaro sa NBA. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.