Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kai titibagin dating karibal

0 111

MULING makakaharap nina Gilas Pilipinas stalwart Kai Sotto, Carl Tamayo at Geo Chiu ang kanilang mga Serbian rival sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Belgrade.

Sa darating na OQT, muling makakalaban ng tatlong Pinoy cager sina Filip Petrusev at Dalibor Ilic na parte ng 16-man roster ng Serbia men’s basketball team.

Unang nagkrus ng landas ang mga nasabing manlalaro noong 2019 FIBA Under-19 World Cup na ginanap sa Heraklion, Greece.

Pinadapa noon nina Petrusev at Ilic ang Gilas Youth, 87-60, habang tumapos naman ang Philippine team sa torneo sa ika-14 puwesto.

Samantala, sa ibinahaging mga larawan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa kanilang social media account nitong Linggo, makikita ang ginawang diskarte ng Gilas Pilipinas upang mapanatiling kondisyon ang kanilang katawan.

“With the limited gym time available inside the bubble, Gilas Pilipinas makes do with whatever is available as they use bands and boxers of mineral water while working out in the team’s dining area,” ayon sa post.

Aaksiyon ang Gilas sa OQT kontra Serbia sa Hunyo 30 (Hulyo 1/Manila time) habang sunod ang Domican Republic sa Hulyo 1 (Hulyo 2 sa Pilipinas). (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.