Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kai todo sa pagiging ‘bad boy’

0 408

Tila gustong ma-achieve ni Kai Sotto ang ‘bad boy’ image base sa mga Instagram story niya.

Kung dati ay napansin ang tattoo sa kanang braso ng Pinoy basketball sensation, na nilinaw nitong peke lang, ngayon naman ay may bagong sinubukan si ‘Kaiju’.

Sa kanyang latest IG post kahapon, binida ng 18-year-old, 7-foot-2 baller ang suot na hikaw sa magkabilang tenga.

Bukod pa a ito sa paglantad ng NBA G League prospect na fan siya ng ‘Fliptop’, kung saan naglalaban-laban ang mga malulupit na artist sa pamamagitan ng asaran at madalas ay may murahan pa. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.