Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kaibigang ET, takbuhan ng problema

0 445

Mga ka-Misteryo karaniwan nating takbuhan ng problema ang ating mga kaibigan hindi ba? Yan ang ginagawa ni Marco ng Pasig sa kanyang kaibigang ET, oo Tama ET as in Extraterrestrial o Ekstraterestriyal.

Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Matagal na ring nakikipag-ugnayan sa mga ET si Marco at inamin niya sa #Misteryo na halos bawat oras araw-araw ay nakakausap niya ang kanyang mga kaibigan.

Misteryo: “Paano yun talagang kaibigan ang turing mo sa mga ET? Tama ba sila na karaniwan mong takbuhan pag may problema ka?”

Marco: “Oo tama ka mabilis silang sumagot pag nagtanong ako at meron agad silang solusyon sa problema. Normally, Hindi ko namamalayan resolve na ang problem ko.”

Misteryo: “Pero teka, nakikita mo ba sila? Ano hitsura nila? Paano mo sila nakakausap? Telepathy ba o direktang nag-uusap kayo?”

Marco: “Sa astral projection ko lang sila nakikita mga matatangkad na nilalang na may maliliit na hugis almond and mga mata. Karaniwan silang tinatawag na mga unat dahil talagang unat ang kanilang katawan, mahahaba ang kanilang mga braso at kamay.”

Misteryo: “Paano kayo nagkakausap?”

Marco: “Telepathy, channeling at sa astral world dun ko sila nakakausap.”

Misteryo: “Paano ka nila natutulungan sa problema mo?”

Marco: “Ah Oo kapag may sakit ako o sinuman sa pamilya ay humihiling ako ng medical ET nila. Magagaling silang duktor. Kapag feeling ko naman delikado ako sa disgrasya, humihingi ako ng ET guardians.

Misteryo: “Paano yung language marunong ba sila magtagalog o Pilipino?”

Marco: “Naku hindi ko naging problema yan kasi multilingual sila alam nila ang lahat ng wika sa buong mundo, and I’m sure kahit language ng ibang planeta alam nila.”

Yan ho ang karanasan ni Marco sa mga kaibigan niyang ET. Kayo baka may ET o anumang nilalang na kaibigan niyo ay hingahan niyo din ng mga problema. Mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph

Leave A Reply

Your email address will not be published.