Abante Tonite Interactive

Kailan ako napamahal sa mga hayop?

493

Joyce Burton-Titular

Hello mga Furrever Furriends!
Ako po si Joyce Ann Burton Titular, ang inyong lingkod at ta­gapaghatid ng mga HAYOP NA KWENTO, dito sa Usapang PETmalu ATBP! So, kung mahilig kayo sa mga pets, antabayanan ninyo ang mga susunod ko pang articles!
May I introduce myself further?

Ako po ay isang beauty queen – Miss Young Philippines 1981 at Bb. Pilipinas Universe 1985. Sa kasalukuyan, nagtatrabaho ako bilang isang artista, voice talent at public speaking coach. TV Host din po ako sa The 700 Club Asia.

At ang isa sa mga pinakamatinding passion ko ay ang pag-aa­laga ng mga aso’t pusa.

I call myself a Dog Parent dahil halos anak na ang tingin ko sa ­aking mga furbabies.

Saan ba nagsimula ang aking love for animals?

Ang earliest memory ko is when I was 4-years old. Nagbakasyon ang pamilya ko noon sa Madrid, Spain kung saan sikat na sikat ang bullfighting.

Gustong-gusto ng mga magulang ko na makapanood ng bullfight so gora kami sa arena.

Doon po sa arena, lahat ng tao ay nag-chi-cheer para doon sa guwapo at machong bullfighter. Pero ako, nag-chi-cheer para doon sa bull.

LOL!
Hiyang-hiya ang mga magulang ko dahil sumigaw ako ng malakas na, “Hooray!” nu’ng natusok ng bull yung lalaking bullfighter at siya’y naging duguan.
Mabilis na tinakpan ni Daddy ang bibig ko sabay sabing, “Tumahimik ka. Lahat ng tao nakatingin sa ‘yo. Dapat nag-chi-cheer ka para sa bullfighter!”

Sagot ko, “Pero Daddy, mali ang ginagawa nila. Hindi ito naiintindihan ng bull. Salbahe ang mga taong ‘yan!”

Hindi ko po alam kung ano ang pinaghugutan ko nyan dahil 4-years old lang ako noon.

Siguro, God naturally created me to love animals.
Meet my PETmalus today!

Sa kasalukuyan, nag-aalaga pa rin ako ng mga pusa. Meron po akong humigit-kumulang na 6 puskals or street cats na pinapa­kain at binibigyan ng shelter.
Ang mga aso ko naman ay SAMPU!
Si Broyles, isang mix-breed na may epilepsy.
Si Bailey, isang Aspin na Distemper Survivor.
Si Ramses, isang Chihuahua na may abnormal na paa.

Si Troi, isang Standard Poodle at ang kanyang mga Standard Poodle puppies na si Archer, T’pol at Seven.

Si Woolsey, Socks and Spot naman ay mga rescued Aspins.

Sa susunod kong mga column mag-hahatid ako ng mga tips on animal care, kwentong aso’t pusa atbp. at HAYOP na balita! Abangan nyo ha?
Pawfectly yours,
Joyce