Abante Tonite Interactive

‘Kailan Darating Ang Ayaw Ko Na’ mamaya na!

192

IPAPALABAS ang second installment ng videoserye ni Orlando Sol para sa kantang Kailan Darating Ang Ayaw Ko Na mamayang 6:00 PM sa YouTube channel ng ABS-CBN Star Music.

What makes this song an aural pleaser eh ang katotohanang emotionally committed si Sol sa pag-awit nito.

‘Pag live rendition, makikita mong napapaluha pa si Sol.

Kasama ang kanta sa kanyang ­album na Emosyon.

Bakit nga ba feel na feel niya ang carrier single?

Sagot ni Orlando, “Iyung is­tor­ya  kasi na naging inspiration of the song, ‘yung pinagdaanan nu’ng central character, grabe!

“Ang tanging kasalanan niya lang talaga ay nagmahal sa isang babae na sad to say, very late na nu’ng malaman niyang makasarili palang magmahal.”

May ibang klaseng pagmamahal rin na ipinakita sa five-part videoserye,

“Oo, dahil nga malungkot siya at feeling nag-iisa, naging sobrang malapit siya sa kanyang best friend dito na bisexual pala.

“Ako, talking not as my character pero bilang lalaki, naniniwala ako na ang love, walang pinipiling gender.

“‘Pag nagmahal ka, kahit anong ­pigil mo, masusunod at masusunod ang damdamin mo.

“Ang nakakalungkot lang, kung hindi ka talaga mahal nu’ng minahal mo. Dito, parang ganu’n ang nangyari.

“Mahal na mahal ako nu’ng ­bisexual bestfriend ko. Sumakay lang ako. Tapos sa huli, ‘di ko sinasadyang masaktan siya kasi nga, ‘yung babae pa rin ang pinili ko…”

Si Blumark Roces ang bisexual bestfriend ni Orlando sa video serye.

Sa aming panayam, ang sabi nito, “Masaya ako kasi kapani-paniwala yata ako dun sa role. Hahahaha!

“Kaya nga ako, laging in character at playful ‘pag tinatanong ako tungkol sa participation ko sa video serye.

“Sana, maraming tao ang matuwa sa performance ko at marami ang ma-curious at magtanong tungkol sa akin para tuloy-tuloy ang mga projects.

“Mas masipag na ako ngayon. Itong video serye, na-realize ko talaga kung gaano ko na-miss ang pag-arte.”