Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kakaba-kaba sa bomba

0 100

May kasabihan mga tropapips na “when it rains it pours.” Pero huwag naman sana sa pagkakataon ito na kinakabayo na ng problema ang Pilipinas eh baka madagdagan pa.

Sabi nga natin noon, parang lahat na yata ng pampasakit ng ulo eh inabot na ng administrasyon ni President Mayor Digong Duterte. Mula sa bagyo, lindol, putok ng bulkan, terror attack at pandemya.

Suwerte naman siya dahil kahit kaliwa’t kanan ang ingay sa pulitika, malakas naman ang kapit niya sa militar at pulisya kaya walang ugong ng kudeta. Bukod doon, mataas naman kasi ang popularity ratings niya.

At habang windang pa rin ang bansa sa COVID-19 na unang nanggaling sa China, at hindi pa rin makaariba ang ating ekonomiya kahit magdadalawang taon na. Kaya talagang hindi welcome kung magkakaroon pa ng panibagong problema–tulad ng panibagong terror attack.

Kamakailan kasi mga tropapips, nagpalabas ng advisory ang Japan para sa kanilang mga kababayan na mag-ingat sa anim na bansa sa Southeast Asian na posibleng targetin ng mga terorista.

Ang naturang bansa ay Pilipinas, Singapore, Malaysia, Thailand, Indonesia at Myanmar. Sa mga nabanggit na bansa, ang Pilipinas at Indonesia ang maituturing favorite yata ng mga terorista–partikular ng grupong Jemaah Islamiah (JI).

Hindi nagbigay ng direktang detalye ang Japan tungkol sa nakuha nilang impormasyon. Pero pinapaiwas nila ang mga kababayan nila na magtungo sa matataong lugar at mga establisimyento na “Western-owned.”

SM food to go Banner Ad

Kung medyo mahilig ka sa mga pelikula tungkol “conspiracy” at mga kuwento tungkol sa terorista, iisipin mo na baka totoo nga ang banta ng terror threat na nasagap ng Japan dahil sa nangyari sa Afghanistan.

Nabawi na kasi ng Taliban forces ang Afghanistan matapos ang 20 taon na kontrolado ng “West.” Pinabagsak noon ng West ang gobyerno ng Taliban dahil sa paniwala nilang inayudahan nila ang mga teroristang al-Qaeda na umatake sa Amerika noong 9/11/2001.

At kung magpaparamdam ngayon ang tropa ng mga terorista na al-Qaeda, ISIS at JI na “we’re back,” aba’y posible nga ang banta ng peligro de gulat con bomba. Ang tanong nga lang–saan at kailan?

Sabi naman ng mga awtoridad natin, nothing to worry dahil wala silang namomonitor na banta. Pero mas maganda siguro na makipag-inuman sila ng “sake” at makipulutan ng sushi sa mga opisyal ng Japan para makuha nila ang buong impormasyon tungkol sa nasagap na posibleng terror threat.

Ang Indonesia, nakahuli raw ng mahigit 100 miyembro ng JI sa nakalipas na buwan bilang pagpapa-igting ng kanilang kampanya laban sa terorismo. Dito kaya sa atin sa Pilipinas?

Yung mga bagyo, lindol, putok ng bulkan, mahirap pigilan dahil gawa ng kalikasan. Pero ang terror attack, puwedeng mapigilan kung mahusay ang intel ng mga mayroong intel funds.

Sa kalbaryong dinadanas natin ngayon dahil sa pandemic, huwag naman sanang maulit ang mga insidenteng tulad ng Rizal Day Bombings, Davao Airport bombings,  Valentine’s Day Bombings,  Davao night market bombing, Cathedral of Our Lady of Mount Carmel bombing at iba pang terror attack. Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.