Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kakai ‘ilusyunada’ kay Gerald

0 138

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ng Dental Diva na si Kakai Bautista ang kanyang litrato kasama si Gerald Anderson.

Kuha ang photo sa isang kalye sa Vienna. Doon sila nagso-shoot ng kanilang pelikula.

Animo’y may pagnanasa ang tingin niya sa aktor.

May caption itong:”Oo! Mag-ingat ka sa akin. Woiiii.”

Hindi naman napigilang magkomento ng mga netizen sa fierce post niya with Ge.

Isa namang mahaderang netizen ang nagbabala sa kanya sa kamandag ni Gerald.

Sey ng netizen:” Ikaw ang mag-ingat sa kanya.”

Agad naman itong sinagot ng komedyana na: “Ay hindi. Siya ang dapat mag-ingat. “

Umani naman ito ng samu’t-saring reaksyon sa iba pang netizen.

Hirit ng ilan, bet daw ni Kakai na patusin siya ni Gerald.

Ito naman ang iba pang mga komento sa kanyang post.

“Pakiahas na po siya.”

“Safe ka pa po, hindi ka pa endorser ng shampoo.”

SM food to go Banner Ad

“Kabahan na si Julia sa iyo.”

May ilan namang nag-aampalayang inakusahan ang aktres ng pagiging TH at ilusyonada.

Ellen, Derek swak ang init

Muli na namang nagpaunlak si Ellen Adarna na sagutin ang ilang personal queries sa isinagawang Q&A session sa kanyang Instagram.

Isang faney ang nagtanong kay Ellen kung ano sa qualities ng fiance na si Derek Ramsay na para sa kanya ay swak sa kanyang personalidad.

Tanong ng follower:”What makes Derek different from the rest?”

Deretsahan naman itong sinagot ni Ellen at ipinaliwanag kung bakit naiiba si Derek.

“Because he adds fuel to my fire. We’re both fire signs and we’re both dragons,” sey ni Ellen.

Dahil dito, ilang kibitzers ang sumasang-ayon na nagko-complement nga sila sa isa’t-isa.

Ito ang ilan sa kanilang komento :

“Pareho silang hot-blooded.No wonder, pareho silang nagkakasundo.”

“Dragons, akala ko uragons.”

“Okey lang silang magbugahan wag lang silang maglalaro ng apoy. “

Leave A Reply

Your email address will not be published.