Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kakai kalma sa bantang demanda ni Mario

0 658

Mukhang hindi naman nababahala si Kakai Bautista sa demand letter na ipinadala ng management ng sikat na Thai actor na si Mario Maurer.

Kumalat kahapon sa balita na nagpadala ng demand letter kay Kakai ang Kwaonhar Nine-Nine Co. Ltd para balaan ang komedyana na itigil na ang paggamit sa pangalan ni Mario sa mga interview nito.

Ang demand letter ay ipinadala sa agency ni Kakai, ang Artist Gallery Management.

“Upon consultation with our client, we would like to confirm that all statements and claims made by Catherine ‘Kakai Bautista’ regarding her claims of proximity to Mario Maurer are hereby DENIED as false and untrue,” ang parte ng letter.

“By so using the name of our talent, Catherine ‘Kakai’ Bautista is improperly exploiting the name, image and reputation of Mario Maurer and his manager, and may be violating existing laws of the Republic of the Philippines and the Kingdom of Thailand. Cease and Desist and Refrain from any further use of the name of Mario Maurer and his manager, or any reference to him, directly or indirectly, including but not limited to the uses described hereinabove,” saad pa sa liham.

Binalaan din ng kampo ni Mario si Kakai na kapag hindi nag-comply si Kakai ay mapipilitan silang pormal na maghain ng reklamo sa komedyana.

As we write ay wala pang sagot si Kakai or ang kanyang management pero kung pagbabasehan ang mga Instagram post ng komedyana, parang dedma naman siya.

Sa isang post niya na larawan niya na naka-swimsuit, tila nagparinig pa nga si Kakai.

“𝙷𝚘𝚘𝚘𝚑 𝚑𝚒𝚛𝚊𝚙 𝚙𝚊𝚐 𝚜𝚘𝚋𝚛𝚊𝚗𝚐 𝚐𝚊𝚗𝚍𝚊𝚊𝚊𝚊.🤣 𝙸𝚂𝙼𝙰𝚈𝙻 𝚗𝚊𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚜𝚒 𝚃𝚢𝚊𝚗𝚐 𝚜𝚊 𝚖𝚐𝚊 𝚝𝚊𝚘𝚗𝚐 𝚊𝚢𝚊𝚠 𝚝𝚞𝚖𝚒𝚐𝚒𝚕,” ang caption ni Kakai.

Sa isa namang short video na ipinost niya na water ripple at maririnig ang sounds ng tubig, nilagyan naman niya ng caption na “calm” na tila ipinaparating sa lahat na kalmado lang siya.

Huling post niya kahapon ay ang larawan niya naka-one piece swimsuit sa tabing dagat at nakatalikod sa camera.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“𝙱𝚁𝙱. 𝚃𝚘𝚘 𝚋𝚞𝚜𝚢 𝚕𝚘𝚟𝚒𝚗𝚐 𝚖𝚢𝚜𝚎𝚕𝚏. 𝚃𝚘𝚘 𝚋𝚞𝚜𝚢 𝚋𝚎𝚒𝚗𝚐 𝚐𝚛𝚊𝚝𝚎𝚏𝚞𝚕,” caption ni Kakai na parang sinasabing masyado siyang busy para intindihin pa ang mga intriga.

Matatandaang nagkasama sina Mario at Kakai sa pelikulang Suddenly It’s Magic with Erich Gonzales noong 2012.

Alessandra naubos ang datung sa ayuda

Binabanatan din ngayon si Alessanda de Rossi ng mga trolls dahil sa tweet niya tungkol sa pandemic.

“I can’t wait for the day na di na kailangan mag-mask. Nakakamiss ngumiti na di kailangang mata ang ngumingiti. Nakaka-wrinkles na ha,” ang tweet ni Alex.

Isang basher ang nag-reply na “tumulong ka para madali masugpo yung covid huwag puro kuda sa social media.”

Hindi ito pinalampas ng aktres at sinagot ang basher.

“Naubos na pera ko sa kakatulong. Buti nga yung kuda ko dito ay libre. Di ko pinagkakakitaan sa gems or views! Siguro mas maingay pa ako if ever! Tah ka,” sagot ni Alex.

Maya-maya ay nag-tweet ulit ang aktres at naglabas ng hinanakit sa mga basher.

“One tweet mo lang about the pandemic, masama na kaagad sa trolls? FYI, buong mundo may covid! Konti pa lang nakakabangon. I pray isa tayo sa mga yun soon. Nakakamiss maglipstick at magwork na di takot! Masama ba yun? Palibhasa bayad ka dyan sa keyboard mong galing ng 11.11,” tweet ni Alex.

Leave A Reply

Your email address will not be published.